
Nagsimula nang mapanood ang most-talked about Korean drama series na The Penthouse nitong Lunes, April 26, sa GMA Telebabad.
Sa unang gabi pa lamang ay nagustuhan na agad ng publiko ang serye. Pinuri rin ng mga ito ang pagkaka-dub sa Filipino ng Korean drama na anila ay bagay na bagay sa mga karakter.
Source: GMA The Heart of Asia Facebook page
Pinagbibidahan ng award-winning actors na sina Eugene, Kim So-yeon, at Lee Ji-ah, iikot ang kwento ng The Penthouse sa mayayamang pamilyang nakatira sa 100-floored luxury apartment, ang Hera Palace. Marami ang nag-aasam na tumira sa marangyang apartment dahil bukod sa magandang amenities nito, dito rin nakabatay kung gaano kalakas ang impluwensiya sa lipunan ng residente.
Iikot ang istorya sa ambisyon ng mga karakter na maipasok ang kanilang mga anak sa prestihiyosong school for arts, ang Cheong-ah Arts School. Gagawin nila ang lahat para matulungang makapasok ang mga ito sa pinapangarap na eskweklahan kahit pa sa hindi patas na laban.
Tampok dito sa sikat na seryeng ito ang iba pang mga bigating Korean stars tulad nina Uhm Ki-joon, Yoon Jong-hoon, Bong Tae-gyu, Yoon Joo-hee, Eun Kyung-shin, Ha Do-kwon, at marami pang iba.
Source: eugene810303 (Instagram)
Sa unang episode ay ipinakita na kung paano sinimulan ni Scarlet (Kim So-yeon) ang kanyang mga plano na ahasin si Dante (Uhm Ki-joon) mula sa asawa nitong si Simone (Lee Ji-ah).
Saan hahantong ang kanyang mga binabalak? Magtagumpay kaya siyang agawin si Dante sa asawa nito?
Abangan ang kapana-panabik at maiinit na tagpo sa The Penthouse, tuwing Lunes hanggang Huwebes, 10:50 p.m., sa GMA Telelebad.
Samantala, kilalanin ang buong cast ng The Penthouse sa gallery na ito: