
Patuloy na humahatak ng viewers ang crime thriller mini-series na “The Lookout,” ang ikatlong installment ng hit drama mini-series na I Can See You Season 2.
Pinagbibidahan ito nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Kapuso hunk Paul Salas, at veteran actor Christopher de Leon.
Bukod sa powerhouse cast, kinabiliban din ng netizens ang intense at magandang storyline ng mini-series. Tampok sa “The Lookout” ang kahindik-hindik na panloloob ni Jason “Lakay” Bautista (Luis Alandy), isang ex-military soldier na isa na ngayong gun-for-hire, sa bahay ng mga Penuliar.
Nagkrus ang landas nina Lakay, Emma Castro (Barbie), at Dalo (Luis Hontiveros), nang magkasabay ang mga itong looban ang mga Penuliar.
Sina Emma at Dalo ay nakatira sa squatters area malapit sa village na kinatatayuan ng bahay ng mayamang pamilya. Dahil sa hirap ng buhay at pangangailangan, kumapit sa patalim si Emma at pumayag siyang maging lookout ni Dalo na nagpasyang pagnakawan ang naturang pamilya.
Lingid sa kanilang kaalaman, sa gabi ng kanilang panloloob ay may makasasabay silang killer na puntirya ang mga Penuliar.
Samantala, hindi naman magkamayaw ang netizens sa pagpuri sa ipinakitang husay sa pag-arte ng cast. Kagabi, April 20, ipinakita ang ikalawang episode ng “The Lookout.”
Marami rin ang pumuri sa pag-arte ng lead star na si Barbie gayundin sa storyline ng mini-series.
Grabe ang intense!! Kakaibang Thriller story to!! shocks!!!
-- Hazel Ronquillo (@hazelKYJ_YJG) April 20, 2021
Sa susunod dapat CI (Criminal Investigating) role naman for @dealwithBARBIE na mas lalong thrilling!! Astig non!!!!
BarbieForteza as Emma | #TheLookoutBreakIn
WHAT A MASSIVE PERFORMANCE!!!! @dealwithBARBIE #TheLookoutBreakIn
-- fanboy (@nardkulot) April 20, 2021
Kapag ito na talaga yung umarte wala na tapos na ang laban. @dealwithBARBIE sobrang galinggg wala akong masabi!
-- Jusbie (@Itsmejusbie) April 20, 2021
BarbieForteza as Emma | #TheLookoutBreakIn pic.twitter.com/0oaZIuYM6l
Huyyy grabe parang pati ako Hindi makapagsalita Mami @dealwithBARBIE
-- RHONA.FT.BARBIE❤️ (@BarbsIloveyou) April 20, 2021
BarbieForteza as Emma | #TheLookoutBreakIn
Saket sa dibdib, bat gnon!!@dealwithBARBIE sobrang knakabahan ako!!
-- Cyrille Jayne Estrellado (@CyrilleJayneee) April 20, 2021
BarbieForteza as Emma | #TheLookoutBreakIn pic.twitter.com/lUMcjSv6n7
'Yung suspense and thrill nung story, panalo! @dealwithBARBIE @PaulAndreSalas #TheLookoutBreakin
-- Jenrick Jamolin (@dadoock) April 20, 2021
OH MY GOSH ANG INTENSE!!!
-- 🍃 (@madyannexbarbie) April 20, 2021
BarbieForteza as Emma | #TheLookoutBreakIn@dealwithBARBIE
I remember the feels nung pinapanood ko Ang Don't Breathe at A Quiet Place. #TheLookoutBreakIn
-- Edmund Ternida (@SirEJTernida) April 20, 2021
Dagdag pa ng netizens, sobrang intense ng mga kaganapan na pati sila ay kinabahan at nadala sa mga emosyong ipinamalas ng mga karakter.
Source: GMA Drama Facebook page
Kasama rin sa cast ng I Can See You: The Lookout sina Arthur Solinap, Marina Benipayo, Elijah Alejo, Ella Cristofani, Jana Trias, at Benjie Paras.
Mayroon lamang limang episode ang “The Lookout” at mapanonood ito hanggang Biyernes, April 23, sa GMA, GTV, at Heart of Asia.
Para sa mga Kapuso abroad, maaari itong mapanood sa GMA Pinoy TV.
Kilalanin ang buong cast ng I Can See You: The Lookout at kanilang mga karakter sa gallery na ito: