
Isang intense Thai drama series ang bagong handog ng GTV sa mga manonood.
Ito ay ang Nabi, My Stepdarling, ang seryeng ipinalabas sa Thailand noong nakaraang taon (2021).
Bukod sa bago ang programang ito, ilang bagong aktor din ang dapat abangan dito na maaaring maging susunod na Thai idol ng Filipino viewers.
Iikot ang istorya ng intense series na ito sa paghahanap ng hustisya ng isang babae tungkol sa isang krimen.
Ang babaeng ito ay si Nabi, ang karakter na gagampanan ng Thai actress na si Fah Yongwaree Anilbol.
Dahil sa misteryoso at biglaang pagkawala ng kaniyang kapatid na si Sheena (Krissie Kritsiri Suksawat), gagawin ni Nabi ang lahat upang malaman ang totoong nangyari rito at kung sino ang nasa likod ng hindi inaasahang pangyayari.
Bukod kay Fah Yongwaree Anilbol, pagbibidahan din ito ng sikat na Thai actor na si Joss Way-ar Sangngern na gaganap bilang si Alwin, ang matalik na kaibigan ni Sheena na kalaunan ay pagseselosan ng asawa ni Alwin.
Ang aktres naman na si Nat Myria Benedetti ay bibigyang buhay ang karakter ni Winona, at ang Thai actor naman na si Luke Ishikawa Plowden ay mapapanood bilang si Paolo.
Ano kaya ang magiging koneksyon nila sa buhay ni Nabi?
Makakatulong ba si Alwin sa problema ni Nabi?
Anu-ano ang mga sikretong mabubunyag tungkol sa pagkawala ni Sheena?
Makakamit nga ba ni Nabi ang inaasam na hustisya sa pagkawala ng kaniyang mapagmahal na kapatid?
Alamin ang bawat kasagutan sa napakagandang istorya ng Nabi, My Stepdarling, mapapanood na sa August 29, dito lamang sa GTV.
Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.