
Ikinuwento ni Balang kay Kuya Wil na hindi raw niya mainitindihan si Ellen de Generes dahil English ang mga tanong nito sa kanya.
Nakisaya ang international dancing sensation na si Balang sa Wowowin kahapon (March 8).
Kuya Wil with the internet sensation, Balang! #WowowinKayoAngBida
Posted by Wowowin on Tuesday, 8 March 2016
Ang bibong bata na na tatlong beses nang naging guest ni Ellen de Generes at nakapukaw ng atensyon ni Justin Bieber ay nagpakitang-gilas sa paggiling at pag-indak sa Wowowin stage. Sumayaw si Balang sa kanta ni Justin na "Sorry," ni Jessie J na "Bang Bang," at naki-nae nae sa kantang "Watch Me" ni Silento, ang mga parehong kanta sa dance videos niya na naging viral sa YouTube.
Ikinuwento ni Balang, na may totoong pangalan na John Philip Bughaw, na apat na taon pa lamang siya ay hilig na niya ang pagsayaw.
Nagbahagi rin siya tungkol sa kanyang naging guesting sa The Ellen de Generes Show. Aniya, “Masaya po kasi nakabalik na naman po kami [sa Amerika]. Sobrang saya po.”
“Hindi ko po maintindihan [‘yung tanong niya] kasi po English,” dagdag din niya.
Matapos ang kanyang performances ay sinubukan din ni Balang na magpaputok ng lobo sa segment na Putukan Na, at naging co-host ni Willie Revillame hanggang sa pagtatapos ng episode.