
Nag-premiere na sa mga sinehan sa Argentina noong June 29 ang international film ni Andrea Torres na Destino Pasional.
Kuwento ito ng isang chance encounter na magbibigay daan sa kakaibang love story.
Nakatanggap ng pagbati si Andrea sa mga taong nakatrabaho niya sa pelikula na magkakasamang pinanood ito.
Kabilang dito ang kanyang leading man at batikang Argentine actor na si Marcelo Melingo, assistant director Nicolas Cacciavillani at iba pang producers ng pelikula.
"We just saw the film. It was an event premiere here in Argentina. It was amazing. We had a great time. Next time, it's gonna be there in the Philippines," lahad ni Nicolas sa video.
"I miss you, Andrea!" pahabol naman ni Marcelo.
Kinunan ang mga eksena ng Destino Pasional sa Cordoba, Argentina at sa Caramoan sa Camarines Sur at Coron sa Palawan.
Gumanap dito si Andrea bilang Filipina tango dancer na si Mahalia. Sa 'di inaasahang pagkakataon, makikilala niya ang biologist na si Norberto.
Silipin ang trailer ng Destino Pasional dito:
SAMANTALA, SILIPIN ANG TAPING THE DESTINO PASIONAL SA PILIPINAS SA GALLERY NA ITO: