What's Hot

Internet sensation na si 'Kwak Kwak Diva,' muling ginaya sina Regine Velasquez, Jaya at Vina Morales!

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 2, 2020 12:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Sino nga ba si "Kwak Kwak Diva?"


 

Isa ka rin ba sa mga napapakanta at napapasayaw sa "Tatlong Bibe" craze? Tara't makikanta kay "Kwakk Kwakk Diva" ngayong umaga for some good vibes! ???????????? #UnangHirit

A photo posted by Unang Hirit (@unanghirit) on

 

Kumalat sa Internet ang mga videos ng impersonator nina Asia’s Songbird Regine Velasquez, Ultimate Show Girl Vina Morales, Asia’s Nightingale Lani Misalucha at ni Asia’s Queen of Soul Jaya kung saan kinakanta niya ang Pinoy nursery rhyme na “Tatlong Bibe.”

May mahigit 500,000 views na ang video ni Tammy Brown kaya tinawag siya ng netizens bilang si “Kwak Kwak Diva.”

WATCH: Gumagaya sa boses ni Regine Velasquez at iba pang singers, sikat online dahil sa pagkanta ng 'Tatlong Bibe'

“Actually, hindi ko po in-expect na magva-viral ‘yung video ko na ‘yun kasi patulog na ako nun. Nakapangbahay na ako tapos nag-shower na ako and then nabagot ako and then nag-upload ako ng [videos ng mga] diva,” saad ni Kwak Kwak Diva sa Unang Hirit.

Napamangha ang hosts na sina Lyn Ching at Susan Enriquez dahil kuhang-kuha ni Tammy ang estilo at tunog ng mga divas. Kuwento ng impersonator, “Dati [sumasali ako ng] singing contests tapos ‘yung mga favorite kong divas [ay] sila.”

In-upload ng Unang Hirit sa Instagram ang kanyang mga bersyon nina Vina at Jaya para sa mga Kapusong hindi nakapanuod kaninang umaga.

 

Woooowww! Para talaga siyang si Vina Morales! Hahaha! Clap clap clap, Tammy Brown aka Kwakk Kwakk Diva #UnangHirit

A video posted by Unang Hirit (@unanghirit) on

 

 

Jaya naman daw peg ngayon ni Tammy Brown aka Kwakk Kwakk Diva! ???????? #UnangHirit

A video posted by Unang Hirit (@unanghirit) on

 

MORE ON "TATLONG BIBE"

Moymoy Palaboy performs "Tatlong Bibe" | Lip Sync Battle Philippines

WATCH: AlDub sings popular nursery rhyme 'Tatlong Bibe'