GMA Logo irma adlawan hannah arguelles
What's Hot

Irma Adlawan at Hannah Arguelles, muling mapapanood sa 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado

By Aimee Anoc
Published September 16, 2023 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 persons hit by stray bullets in Iloilo, Bacolod
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

irma adlawan hannah arguelles


Balikan ang natatanging pagganap nina Irma Adlawan at Hannah Arguelles bilang mag-inang Marilou at Jelai sa "Tanan" episode ng 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado sa GMA.

Muling mapapanood sa Wish Ko Lang: Tanan ngayong Sabado ang kuwento ng pagmamahal ng isang ina sa suwail niyang anak.

Pagbibidahan nina Irma Adlawan at Hannah Arguelles ang mag-inang Marilou at Jelai. Kasama rin sa episode na ito sina Earl Ignacio bilang Nel (asawa ni Marilou), Patricia Ismael at Rowena Concepcion bilang mga tsismosang kapitbahay, Kristof Garcia bilang Carlo (ka-chat ni Jelai), Timothy Chan bilang Eugene (anak ni Marilou), at Bella Thompson bilang Candy (kaibigan ni Jelai).

Sa madalas na paggamit ng cellphone ni Jelai, nakakalimutan na niya ang mga responsibilidad bilang isang anak at estudyante, Nagiging palasagot na rin siya sa tuwing pinagsasabihan ng kanyang inang si Marilou. Matapos na masampal ng ina dahil sa hindi maayos na pagsagot nito ay nawala na lamang nang parang bula ang dalaga.

Labis naman ang naging pag-aalala nina Marilou at Nel nang may tumawag sa kanilang lalaki at humihingi ng ransom kapalit ng anak na si Jelai.

Totoo kayang na-kidnap si Jelai o tama ang usap-usapan ng mga kapitbahay ni Marilou na nakipagtanan na ang anak.

Huwag palampasin ang "Tanan" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, September 16, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

MAS KILALANIN SI HANNAH ARGUELLES SA GALLERY NA ITO: