
Nagsalita na ang award-winning actress na si Bea Alonzo tungkol sa mga usapan online na engaged na umano siya sa boyfriend na si Vincent Co.
Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend, sinabi ni Bea na wala siyang dapat linawin at nais niyang mapanatiling pribado ang mga bagay.
Aniya, “Alam mo, nauunahan pa ng lahat ng mga tao 'yung mga pangyayari sa buhay ko. I have nothing to clarify and I want to keep things private and, yeah, there's nothing to say actually.”
Ibinahagi rin ng dating Widows' War star na gusto niyang maging pribado pagdating sa kanyang personal na buhay.
“I really want to focus on my personal life being private right now. Parang feeling ko, ang dami kong natutunan sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay that I really want to keep things, to keep my personal stuff really private this time,” pagbabahagi niya.
Matatandaan na noong GMA Gala 2025 ay kinumpirma ni Bea Alonzo ang kanyang relasyon kay Vincent Co.
“Yes he is (my boyfriend). But I like to keep things private,” aniya sa exclusive interview ng GMANetwork.com.
Panoorin ang buong "Chika Minute" report sa ibaba.
RELATED GALLERY: Bea Alonzo's rumored beau: Who is Vincent Co?