
Halos dalawang taon nang kasal ang TV host-actress na si Bettinna Carlos sa kanyang asawang si Mikki Eduardo kaya naman blessing para sa kanila kung mabibigyan na nila ng kapatid ang anak ni Bettinna na si Gummy.
Sa Instagram, isang sonogram copy ang ipinost ni Mikki na nakapangalan kay Bettinna. Ito ay may simpleng caption na, "Ading," isang salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay "kapatid."
Bagamat walang ibinigay na anumang detalye si Mikki, makikita rito na nasa eleven weeks and five days na ang gestational age o ang pregnancy ng kanyang misis.
Marami naman sa kanilang mga kaibigan ang nagpahayag na ng pagbati para sa mag-asawa.
Matatandaan na nakaranas ng miscarriage si Bettinna mahigit apat na buwan na ang nakararaan sa dapat sana ay unang anak nila ni Mikki.
December 2020 nang idaos nina Bettinna at Mikki ang kanilang intimate wedding sa Tagaytay. Kasama rito ang anak ni Bettinna sa kanyang unang relasyon na si Amanda Lucia Carlos o mas kilala bilang si Gummy.
Samantala, silipin ang masayang pamilya nina Bettinna, Mikki, at Gummy sa gallery na ito: