
Pansamantalang umeere ang rerun episodes ng groundbreaking series na My Husband's Lover sa GMA.
Nasira ang tiwala ni Vicky (Bettinna Carlos) kay Lally (Carla Abellana) matapos nitong matuklasan ang lihim na tinatago ng kanyang matalik na kaibigan.
Para kay Vicky, parang nawalan ng tiwala si Lally sa kanya at pinagmukha pa siyang tanga dahil sa iba pa niya nalaman ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Vincent (Tom Rodriguez).
Magkabati kaya ang dalawa?
Samantala, halos hindi magawang hawakan ni Elaine (Kuh Ledesma) ang kanyang asawa na si Armando (Roi Vinzon) nang malamang positibo siya sa HIV.
Kaagad itong nagpunta sa doktor upang magpa-check-up at malaman kung positibo rin siya tulad ni Armando.
Nahawa kaya siya?
Patuloy na subaybayan ang kuwento nila sa My Husband's Lover, tuwing Linggo pagkatapos ng The Boobay at Tekla Show.
Huwag palampasin ang aired episodes nito na mapapanood sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.