
Ipinakita ng seasoned actress na si Gladys Reyes sa kanyang latest YouTube vlog ang masayang mother-daughter bonding kasama ang nag-iisang anak na babae niyang si Gianna.
Sa nasabing video, nagpunta sina Gladys at Gianna sa isang salon para magpa-hair treatment, manicure, at foot spa. Matapos ito, nag-bonding ang mag-ina sa isang cafe kung saan sila ay nagkaroon ng masayang usapan.
Isa sa mga tanong ni Gladys para sa kanyang una hija ay kung nais ba nitong pasukin ang showbiz.
“Ikaw ba, would you want to enter, eventually, din in show business or into acting?” tanong ng celebrity mom.
Sagot ni Gianna, “I have a feeling yes, but not like acting on-screen. I like theater more, like musicals, mga gano'n.”
Kuwento pa ni Gladys, bumida bilang Dorothy si Gianna sa play na Wizard of Oz sa paaralan nito.
Bukod dito, tinanong din ng aktres ang kanyang anak kung ano ang masasabi nito sa kinabilangan niyang pelikula na And The Breadwinner Is, na pinagbidahan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.
“I like that movie a lot. I have a feeling it's probably the second-best movie I've watched of 2024. First is Wicked and then second is [And The] Breadwinner [Is],” ani Gianna.
Tinanong din ni Gladys ang kanyang unica hija kung sino ang hinahangaan nitong local o international na celebrity. Ayon kay Gianna, hinahangaan niya ang American singer-songwriter na si Chappell Roan.
"She's been in the music industry for years and ngayon lang siya recently nag-blow up. Now, she's using her fame to spread more positivity and motivation for people, and to not give up on their dreams," pagbabahagi niya.
Bukod kay Gianna, mayroon pang tatlong mga anak sina Gladys at asawa niyang si Christopher Roxas. Ito ay sina Christophe, Grant, at Gavin.
Panoorin ang buong YouTube vlog ni Gladys Reyes sa video na ito.
Samantala, bibida si Gladys Reyes sa upcoming GMA drama series na Cruz vs. Cruz.
TAKE A LOOK AT THE FAMILY OF GLADYS REYES IN THIS GALLERY.