Celebrity Life

Is it over for Roadfill and Moymoy?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 15, 2020 2:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Scottie Barnes hits special triple-double, Raptors top Warriors in OT
1 dead, 1 hurt after tunnel collapses in Zamboanga del Sur
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Mapa-video sa YouTube, show sa TV, at sa mga pelikula, hindi naghihiwalay ang magkapatid na Roadfill at Moymoy. Ayon kay Roadfill, ine-expect daw nila na hahanapin ng viewers ang isa kapag hindi sila magkasama. Kaya ngayon sa 'Overtime', susubukan nilang maghiwalay.
By AL KENDRICK NOGUERA


Kapag nariyan si Moymoy, paniguradong nariyan din si Roadfill. Pero sa latest offering ng GMA Films na Overtime, magpapa-miss muna ang inyong paboritong tandem dahil sa unang pagkakataon ay hindi sila magkakatrabaho.

Mapa-video sa YouTube, show sa TV, at sa mga pelikula, hindi naghihiwalay ang magkapatid na Roadfill at Moymoy. Ayon kay Roadfill, ine-expect daw nila na hahanapin ng viewers ang isa kapag hindi sila magkasama. Kaya ngayon sa Overtime, susubukan nilang maghiwalay.

Dahil Moymoy Palaboy ang sumikat na pangalan ng tandem nila, nilinaw ni Roadfill kung sino siya rito. “First time ko rin na lumabas as ako lang. Kasi always expected na magkasama kami ng isa kong partner na si Moymoy eh. So 'yon, siya po 'yung Moymoy,” linaw ni Roadfill.

Matagal na raw nilang gustong magkaroon ng sariling mga pangalan. “Gusto ko rin namin 'yon eh, nag-e-explore kami. Actually kahit siya (Moymoy), gusto niya ring maghiwalay kami sa projects. Pero hindi kami magkaaway ha,” ang natatawang paglilinaw ni Roadfill.

Paliwanag ni Roafill, “Excited ako kasi nga magagawa ko 'yung bagay na gusto kong mangyari at gusto kong gawin like 'yun nga, lumabas sa kahon ng ginagawa namin. Napag-usapan din namin 'yon eh, na mas maganda nga.”

Nakikita raw ni Roadfill na mas mag-i-improve siya dahil bago ito sa kanya. “Okay din na magkasama kami, okay din na hindi. Kumbaga, something new ito sa akin so excited ako and challenged,” saad niya.

“Ito 'yung first time na medyo may gagawin ako, na ako lang talaga, na wala siya (Moymoy). Kahit na anong character man ang ibigay sa 'kin, siyempre paghahandaan ko at pagbubutihan ko,” pahayag ni Roadfill.

Abangan si Roadfill sa Overtime, ang latest offering ng GMA Films, ngayong July 2 na on theaters nationwide. Mapapanood pa rin naman ang magkapatid na Moymoy Palaboy sa Bubble Gang tuwing Biyernes ng gabi sa GMA.