
Walong buwan matapos ang kaniyang huling appearance sa Fast Talk with Boy Abunda, sinagot na ni Sanya Lopez ang mga katanungan ni Boy Abunda tungkol sa kaniyang love life nitong Miyerkules, November 19.
“Marso noong huli tayong nagkita rito sa Fast Talk with Boy Abunda—sabi mo, ngayong 2025, parang ang pakiramdam mo ay magkakaroon ka ng boyfriend. Kumusta? Ano ang lagay ng iyong puso?” tanong ng King of Talk.
Maikling sagot ni Sanya: “Masaya ako.”
Dagdag niya, "Ang masasabi ko lang ay masaya ako at kontento ako ngayon sa lahat."
Hindi naman na nagsalita si Sanya ukol sa napansing singsing ng King of Talk, ngunit game itong sumagot sa "Fast Talk" segment ng programa at pinili ang half-Pinoy, kaedad, may balbas, at non-showbiz na personalidad.
Ayon pa kay Sanya, kanina lamang daw siya huling beses na kinilig.
Mayroon ding mensahe ang Kapuso aktres para sa misteryosong personalidad na ito: “Kung sino ka man na may balbas na half-Pinoy na nagpapakilig at nagpapasaya sa akin at nagbibigay ng inspirasyon, I hope tumagal ito hanggang sa habang buhay at sa kabilang buhay.”
Related gallery: Sanya Lopez stuns in 29th birthday portraits