What's Hot

Is this the start of puppy love?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 13, 2020 5:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Si Sunny at Johann, pinaglapit ng isang german sheperd sa 'The Master's Sun.'
By EUNICIA MEDIODIA 


 
Sa The Master’s Sun, isang german shepherd na multo (si Brownie), ang humingi ng tulong kay Sunny. Nais kasing magpakamatay ng may-ari ng german shepherd. Kaya naman pinigilan ito ng aso sa tulong ni Sunny.
 
Sinabihan ni Johann si Sunny na kalimutan ang pagtulong sa aso dahil mapanganib ang gagawin niyang hakbang. Nagmatigas si Sunny dahil naaawa siya sa aso. Gusto niya rin makatulong sa pagligtas sa may-ari ng aso.
 
Nag-alala si Johann kaya naman sumugod din siya. Sa lagay na ito, nakaharap niya ang may-ari ng aso at nalagay sa panganib ang kanyang buhay. Muntikan nang mabaril si Johann.
 
Nagpanggap si Johann na nakikita si Brownie kaya naman nakaligtas siya. Buti na lang at nasabi ni Sunny sa kanya ang tungkol kay Brownie.
 
Dahil dito, mas lalong nagkakilala at nagkalapit sina Johann at Sunny. Nagkapalagayan na rin sila ng loob. Nakita ni Sunny ang kagandahang loob ng supladong CEO. Si Johann naman nakita ang pagiging selfless ni Sunny at pagiging matulungin. Nagkakagusto na kaya si Johann kay Sunny?
 
Nalaman ni Sunny ang itinatagong lihim ni Johann. Nagkuwento si Johann na nawala ang kanyang kakayahang magbasa dahil sa masamang nangyari sa kanya noong bata pa siya.
 

 
Mukhang may pagtingin na si Johann kay Sunny. Nag-aalala ito sa kaligtasan ni Sunny. Sinabihan niya rin si Sunny na tigilan ang pagpunta sa lugar na mapapahamak siya tulad ng nangyari sa asong multo.
 
Nang makatulog si Sunny, hindi mapigilan ni Johann na titigan ito. Muntikan niya na rin mahalikan si Sunny. Kaya naman ginising ni Johann si Sunny para umalis na ito sa tabi niya.
 
Pinaalala rin ni Johann kay Sunny na may date siya kasama si Yul.  Nakalimutan na ni Sunny ang date niya dahil naging mahimbing ang tulog niya habang nasa tabi ni Johann.
 
Nagseselos na ba ang supladong CEO kina Yul at Sunny?
 

 
Pagdating sa bahay, ‘di makatulog si Johann dahil sa pag-aalala kay Sunny. Hindi ito nakatiis at tinawagan din si Sunny. Tuwang-tuwa si Sunny na tumawag si Johann dahil takot na takot ito sa water ghost na kanyang nakita habang nakikipag-date kay Yul.

Ang hindi alam ni Sunny tuwang-tuwa rin si Johann na may naging aberya sa date nila. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap saka naman nakatulog si Johann. Wala na kasi itong inaalala.
 
Malaman kaya ni Sunny ang tunay na nararamdaman ni Johann? Sino pa kaya ang mga multong nangangailangan ng tulong ni Sunny?
 
Huwag palampasin ang nakakakilig at nakakanginig na tagpo sa The Master’s Sun pagkatapos ng Ang Dalawang Mrs. Real!
 
Like: www.fb.com/TheMastersSun7