What's Hot

Isa na namang kakaibang period romance ang hatid ng Koreanovelang 'The Maid'

By Marah Ruiz
Published December 27, 2017 10:00 AM PHT
Updated December 27, 2017 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Stray bullet kills 66-year-old man in Pampanga
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News



Tunghayan ang kuwento ng kapalaran na bumaliktad sa isang idlap sa 'The Maid.'

 

Tunghayan ang kuwento ng kapalaran na bumaliktad sa isang idlap. 
 
Si Gook In-yeob (Jeong Yu-mi) ang nag-iisang anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa Joseon. 
 
Ipapadala ng hari ang kanyang ama sa isang misyon, pero mapagbibintangan ito bilang taksil at sisintensiyahan ng kamatayan. 
 
Dahil dito, mawawala ang magandang pangalan ng kanilang pamilya pati na ang kanilang kayamanan. Mapipilitan si In-yeob na maging isang alipin. 
 
Maninilbihan siya sa tahanan nina Heo Yoon-ok (Lee Si-a), kaibigan niyang may lihim palang inggit at galit sa kanya. Makakaranas si In-yeob ng iba't ibang pagmamalupit mula sa taong inakala niyang kaibigan niya.  
 
Pero hindi pa huli ang lahat para kay In-yeob dahil matatanggap niya ang tulong ni Moo-myeong (Oh Ji-ho), ang pinuno ng mga naninilbihan sa pamilya Heo. 
 
Bukod dito, nananatili pa rin siya sa puso ng kanyang kababatang si Kim Eun-gi (Kim Dong-wook), kahit magkaiba na ang estado ng kanilang mga buhay. 
 
Kayanin kaya ni In-yeob ang buhay ng isang alipin? Makabalik pa kaya siya sa kanyang mala-prinsesang buhay? 
 
Abangan ang The Maid, simula January 1, pagkatapos ng Crimson Girl sa nag-iisang GMA Heart of Asia.