
Isang kakaiba at touching na love story ang hatid ng digital channel na I Heart Movies.
Mapapanood dito ang pelikulang Isa Pa With Feelings na pinagbidahan nina Carlo Aquino at Maine Mendoza.
Gaganap dito si Maine bilang Mara, isang aspiring architect habang si Carlo naman ay ang kapitbahay niyang deaf at non-verbal na si Gali.
Unti-unti nilang makikilala ang isa't isa nang maging bahagi ng sign language class ni Gali si Mara.
Malaking hamon para sa dalawa ang komunikasyon. Ito ba ang uudlot sa kanilang budding relationship?
Panoorin ang Isa Pa With Feelings, August 10, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag ding palampasin ang ensemble film na Biyaheng Lupa.
Tungkol ito sa iba't ibang kuwento ng mga pasahero ng bus mula Maynila patungong Bicol.
Malaki at star-studded ang cast nito kabilang sina Jaclyn Jose, Coco Martin, Eugene Domingo, Shamaine Buencamino, Susan Africa, Julio Diaz, Alan Paule, Andoy Ranay, Archie Adamos, Mercedes Cabral, at Angel Aquino.
Abangan ang Biyaheng Lupa, August 9, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.