
Ihanda na ang mga panyo dahil matutunghayan ngayong linggo ang family drama film na Isa Pang Bahaghari sa digital channel na I Heart Movies.
Tampok dito ang Superstar na si Nora Aunor, kasama ang iba pang mga batikang artista tulad nina Phillip Salvador at Michael de Mesa.
Kuwento ito ng isang seaman na susubukang bumawi sa kanyang pamilya matapos niyang abandonahin ang mga ito ilang taon na ang nakalipas.
Bahagi rin ng pelikula sina Zanjoe Marudo, Joseph Marco, Sanya Lopez, Maris Racal, Albie Casiño at Migs Almendras.
Tunghayan ang Isa Pang Bahaghari, July 4, 10:20 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag ding palampasin ang family drama film na Above the Clouds starring Ruru Madrid and Pinoy rock icon Pepe Smith.
Si Ruru ay si Andy, isang lalaki na naulila noong bagyong Ondoy. Dahil wala nang mga magulang, titira siya sa poder ng kanyang lolo na ginagampanan naman ni Pepe.
Hindi close ang dalawa kaya susubukan nilang mag-bonding para makalimutan ang pait ng pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagha-hike sa bundok.
Abangan ang Above the Clouds, July 6, 10:20 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.