
Umani ng papuri mula sa mga manonood ang 'Isa Sa Puso Ng Pilipino,' ang bagong Station ID ng GMA Network na ni-launch kagabi, June 28.
Naunang inilabas ang 'Isa Sa Puso Ng Pilipino' para sa ika-75 anibersaryo ng GMA Network. Hindi lang legacy ng GMA Network ang ipinagdiriwang dito dahil hatid din nito ang ng mensahe pagkikiisa sa mga Filipino.
Narito ang ilan sa mga papuri sa mga manonood sa YouTube, Facebook, at Twitter.
Inawit ni Julie Anne San Jose at iba pang Kapuso singers ang 'Isa Sa Puso Ng Pilipino' kasama ang Orchestra of the Filipino Youth (OFY), isang full orchestra sa ilalim ng organisasyong Ang Misyon Inc.
Samanatala, narito ang ilang proudest Kapuso moments nina Marian Rivera, Dingdong Dantes, at iba pang celebrities: