Kahit lumipat na ng istasyon si Isabelle Daza, hindi pa rin siya nakalimot sa kanyang pinanggalingan.
By MARY LOUISE LIGUNAS
Kahit lumipat na ng istasyon si Isabelle Daza, masasabing hindi pa rin siya nakakalimot sa kanyang pinanggalingan.
Kinailangan man niyang iwanan ang kanyang mga show na Eat Bulagaat Taste Buddies ay nananatili pa rin siyang mabuting kaibigan sa mga dating kasamahan.
Sa isang Instagram post ni Belle noong nakaraang linggo, nalaman ng mga netizens na tumatayo pa rin siyang tutor ni Ryzza Mae. Hindi man sila magkasama sa Eat Bulaga, patuloy pa rin ang paggawa niya ng exercises para kay Aleng Maliit.
“Fixing my wallet whilst doing @ryzzamaechacha's homework for next week,” sabi sa caption ng litratong pinost ni Belle.
“Passed my Taste Buddies crown down to @iyavillania,” aniya.
Ipinaabot din ni Belle ang kanyang mensahe para sa pumalit sa kanyang posisyon bilang co-host ni Solenn Heussaff. “Congratulations and welcome to a wonderful family! I'm sure you will have an amazing time and will always be busog after work!!” dagdag ni Belle.
Rinepost ni Iya ang litrato at ipinahayag ang kanyang pasasalamat kay Belle.
“The passing of the crown… thank you @solennheussaff for the warm welcome and thank you @isabelledaza for passing the duties on to me. Your #TasteBuddies will miss you terribly,” saad ni Iya.
DO YOU THINK IYA AND SOLENN HAVE THE SAME CHEMISTRY? CHECK THIS OUT: