GMA Logo isabelle daza on kasambahay
Celebrity Life

Isabelle Daza, pangarap ma-"professionalize" ang mga kasambahay sa Pilipinas

By Dianara Alegre
Published May 14, 2020 10:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

isabelle daza on kasambahay


"After all, they are leaving their families to take care of ours," sabi ni Isabelle Daza tungkol sa mga kasambahay, na nais sana niyang ma-"professionalize."

Ibinahagi ng aktres na si Isabelle Daza ang kanyang saloobin at pangarap para sa kapakanan ng lahat ng mga kasambahay sa Pilipinas, nitong Miyerkules, May 13.

Isa ang aktres sa mga may mahusay na pamamahala pagdating sa karapatan ng kanyang mga kasambahay bilang mga manggagawa.

Binigyan ng pagkakataon ni Isabelle ang mga ito na magkaroon ng mga benepisyong gaya ng mga nagtatrabaho sa mga kumpanya.

Kabilang ang pagkakaroon ng iba't ibang benepisyo gaya ng sa SSS, PhilHealth, at Home Development Fund o Pag-IBIG.

Mayroon ding leave credits ang kanyang mga kasambahay base sa napagkasunduan at pirmado nilang mga kontrata.

Ibinahagi ni Isabelle ang isa pang paraan para mapabuti ang pagsasama nila.

Kada buwan ay mayroon siyang evalution na natatanggap mula sa mga tumutulong sa kanya sa bahay.

Bahagi ng evaluation ang mga bagay na nakapagpapasaya sa mga ito, sa mga pinakakinaiinisan nila kay Isabelle at marami pang iba.

Ipinost din niya sa kanyang Instagram account ang nasabing kontrata.

Nakasaad dito ang ang tungkulin at gawain ng mga kasambahay, oras ng kanilang trabaho, lingguhang araw ng pahinga, pasahod, mga pinahihintulutang kaltas sa sahod at mga benepisyo, 13th month pay, severance pay, at iba pa iba.

Kaugnay nito, pangarap umano ni Isabelle na ma-"professionalize" ang mga kasambahay, makatanggap ng nararapat na suweldo, at mabigyan ng two days off work gaya ng ibang mga manggagawa.

"My dream would be to professionalize the kasambahay where they get paid the right amount and two days off work just like everyone else as a standard of working.

"After all, they are leaving their families to take care of ours," aniya.

WATCH: Isabelle Daza's art and science #StayAtHome activities with son Baltie