GMA Logo KMJS American looking for his yaya in Pampanga
What's Hot

Isang Amerikano, hanap ang dati niyang yaya sa Pampanga

By Bianca Geli
Published January 29, 2026 7:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Off The Record: Throwback time! NIOR reacts to their old photos
Amihan ug Localized Thunderstorms, Pabiling Nakaapekto sa Nasud | Balitang Bisdak
Impeachment now an impossible dream, says Tito Sotto

Article Inside Page


Showbiz News

KMJS American looking for his yaya in Pampanga


Mahanap kaya ng isang Amerikano ang dati niyang yaya noong nanirahan siya sa Pilipinas?

Isang Amerikanong minsang tumira sa Clark, Pampanga, ang kasalukuyang hinahanap ang dati niyang yaya na ang pangalan ay Ate Rose. Ngunit ang tanging meron lang siya ay isang lumang video tape noong 1979.

Matapos ang halos limang dekada, mahanap pa kaya niya ang kanyang Ate Rose?

Sa mga lumang video na kuha pa noong dekada 70, binabalikan ng Amerikanong si Bill ang masasayang alaala ng kanyang pamilya noong sila'y naninirahan pa sa Pampanga.

Kuwento ni Bill Bowen sa Kapuso Mo, Jessica Soho, "The videos were mostly captured by my father. This was the 70's so it was an 8mm camera with no sound."

Pero sa lahat ng nakasalamuha niya sa Pilipinas, may isang hindi mawaglit sa kanyang isipan, ang kanyang dating yaya na si Ate Rose.

Kaya nag-post si Bill sa isang Facebook group ng kanyang lumang video sa baka-sakaling mahanap niya ito.

Si Bill ay nakatira ngayon sa Florida, Amerika. Pitong taong gulang lamang siya noong tumira ang kanyang pamilya sa Clark, Pampanga.

"My Dad was in the U.S. Air Force. He was stationed in the Philippines and took the whole family with him. Our home was on Bonifacio Street. I went to elementary school on the base."

Namasukan daw sa kanila noon ang 15 anyos lamang na si Ate Rose.

"My Mom and Dad hired her to take care of the home and the family. My older brother and sister, there was a good five or six age difference so they didn't want to play with me at all so Rose was there, and she was very kind. I saw her more than I saw my brother and sister. There's a special bond there that you don't forget. She was part of the family because she was there," kuwento ni Bill.

Matapos ang halos tatlong taon na paninirahan ng pamilya Bowen sa Clark, taong 1979, kinailangan na nilang bumalik sa Amerika. Bago umalis, bumisita pa raw sila sa bahay ng pamilya ni Ate Rose sa Tarlac at nagbalak pa silang isama sa Amerika si Rose at pina-proseso ang mga kailangang dokumento, ngunit na-deny ito.

Hindi man lang nagkrus muli ang kanilang landas, hindi raw nawala sa kanya ang masasaya nilang alaala.

"I started watching the videos again and it brought back so many memories so I posted it to Facebook groups," ani ni Bill, at ang video ni Ate Rose ang pinakanakakuha sa atensyon ng marami.

Si Ronnie Seramines na isang netizen na nakapanood ng video ni Ate Rose, nilapatan pa ng kanta na kanyang sinulat ang video na walang tunog. Ang isinulat na kanta ni Ronnie ay nag-viral kasama ng video ni Ate Rose. Hanggang sa may nag-message kay Ronnie na kapitbahay umano ni Ate Rose. Ang noong dalagang si Ate Rose o Rosalina Langit, ngayon ay 66 anyos na at nakatira pa rin sa Angeles, Pampanga.

Kuwento ni Ate Rose, tandang tanda niya pa ang pamilya Bowen. "Dahil maliit siya, lagi kaming naglalaro, sunod sunod siya sa akin. Kahit pilipit ang English ko, natatandaan niya."

Saad ni Ate Rose, "Malungkot po ako, iniiyakan ko po talaga sila. Nagkoneksyon po kami sa sulat at tsaka binigyan ako ng pera ni Mrs. Bowen."

Hanggang sa malaman niya na hinahanap pala siya ni Bill. Magkrus na muli ang kanilang landas?

Ang kanilang reunion ay panoorin sa KMJS: