
Magtatagpo ang mga bituin ngayong buwan ng February sa isang bagong romance-drama na paparating sa GMA Heart of Asia!
Mga Kapuso, maghanda na sa pinakabagong must-watch offer ng "Home of Asia's Best Dramas”!
Isang kapana-panabik na kuwento ang magbibigay-kulay sa inyong mga umaga, isang kwentong higit pa sa typical na love story.
Ang pag-ibig ba ay usapin ng tamang panahon o usapin ng pasensya habang naghihintay na magtagpo ang mga bituin sa langit?
Sa paparating na Love Month, inaanyayahan kayo ng GMA Heart of Asia na dahan-dahang damhin ang pintig ng puso ng mga karakter sa isang romance story written in the stars.
Sa pagtatagpo muli ng kanilang mga landas; kailangan nilang magdesisyon: susundin ba nila ang tadhana o gagawa sila ng bagong daan tungo sa isang pag-ibig na wagas?
Humanda na sa kakaibang kinang ng chemsitry ng mga bida, tiyak na bibihagin ka ng series na ito sa pamamagitan ng kwentong kasing ningning ng mga bituin.
Huwag palampasin ang bagong drama series na ito, malapit na sa GMA!