What's Hot

'Isang Bala Ka Lang,' tampok sa 'FPJ Sa GMA' ngayong March 9

By Jansen Ramos
Published March 7, 2025 4:56 PM PHT
Updated March 7, 2025 5:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang celebrities, nasimula nang mag-rehearse para sa "Kapuso Countdown to 2026"
Alleged female rebel nabbed for rebellion, crimes against humanity
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

isa bala ka lang, fpj sa gma


Mapapanood ang 'Isang Bala Ka Lang' sa 'FPJ Sa GMA' ngayong Linggo, March 9, 3:15 p.m., pagkatapos ng 'Resibo' sa GMA.

Ngayong Linggo, March 9, mapapanood ang isa na namang classic film ng nag-iisang Fernando Poe Jr. sa FPJ Sa GMA.

Ipapalabas sa FPJ Sa GMA ang pelikulang Isang Bala Ka Lang kung saan tampok ang matitinding fight scenes at ang mahusay na pagganap ng King of Philippine Movies na nagpatibay sa kanyang reputasyon bilang isa sa mga nangungunang action star ng Pilipinas.

Umiikot ang kwento ng Isang Bala Ka Lang kay Berting (FPJ), isang mabuting pulis na nagsisikap na tuparin ang kanyang sinumpaang tungkulin.

Matapos maling mahatulan at makulong dahil sa paghihiganti sa pagkamatay ng kanyang asawa, nanumpa siyang iiwasan ang gulo at mamumuhay ng mapayapang buhay kasama ang kanyang anak na si Angela, na ginampanan ng late actress na si Julie Vega.

Pero ang kabaitan ni Berting, sasagarin ng mga kalaban kaya mapipilitan siyang kumilos dahil patuloy na binibiktima ng mga kriminal ang mga inosenteng tao at walang ginagawa ang batas.

Panoorin ang Isang Bala Ka Lang sa FPJ Sa GMA ngayong Linggo, March 9, 3:15 p.m., pagkatapos ng Resibo sa GMA.