What's Hot

Isang bata, kinuha raw ng engkanto?

By Bianca Geli
Published July 25, 2019 6:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

61-anyos na rider, patay sa salpukan ng 2 motorsiklo sa Urdaneta City
Student harassed on the road by rider in Bacolod City
FPJ Sa G! Flicks: 'Asedillo' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News



Isang dalawang taong gulang na bata ang bigla na lang nawala sa isang iglap sa taniman ng niyog sa Dapitan City, Zamboanga del Norte. Ano kaya ang dahilan? Alamin sa 'KMJS.'

Isang dalawang taong gulang na bata ang bigla na lang nawala sa isang iglap sa taniman ng niyog sa Dapitan City, Zamboanga del Norte. Hinala ng mga taga doon, dahil daw ito sa puno ng mangga na nangunguha ng mga bata.

Noong July 10 pa nawawala si Belly, nagtatakbuhan daw sina Belly at ang mga kalaro nito ng napansin na lang nilang nawawala na ito nitong July 10.

Kuwento ng kapitbahay ng mga magulang nila “Tumakbo po siya papunta po doon sa puno ng mangga, umiiyak siya.”

Hanggang sa nawala na raw ito nang tuluyan sa kaniyang paningin.

Kumonsulta sa albularyo ang pamilya ni Belly para magpatulong mahanap ang kanilang anak pero ni anino nito, hindi pa rin nakita.

Kasama ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa pagsanib puwersa na ang mga pulis, City Disaster Risk Production and Management Council Social Welfare Office at mga opisyal sa paghahanap kay Belly.

Sa kanilang paghahanap, may napansin silang kakaiba sa lugar kung saan huling namataan si Belly. Ano kaya ito?

Panoorin ang buong istorya sa Kapuso Mo, Jessica Soho: