May kasabihang ang mga guro ang tumatayong ikalawang magulang ng mga estudyante. Maaari kaya itong magkatotoo at maging literal?
Ito ang nakakatuwa at nakakakilig na kuwentong katatampukan ni LJ Reyes bilang si Teacher Luisa at ni Rocco Nacino bilang si Miguel.
Crush ni Teacher Luisa ang byudong si Miguel. Mag-vo-volunteer siya na maging tutor sa anak nitong si Patricia, at sa paraan na ito magkakalapit ang loob nila.
Kasunod ng kanilang pagkakamabutihan ay ang kumalat na tsismis na tumaas ang mga grades ng bata dahil binibigay mismo ni Teacher Luisa ang mga tamang sagot para sa kanilang exam.
Maudlot kaya ang kanilang pagmamahalan? Ano kaya ulit ang pasabog ng karakter ni Eugene Domingo?
Abangan 'yan! Huwag kalimutang tumutok ngayong Linggo, March 20, sa Dear Uge, pagkatapos ng Sunday PinaSaya!