
Napansin ng award-winning comedienne at TV host na si Vice Ganda na isa sa contestants nila sa 'EXpecially For You' ngayong Huwebes, July 4 sa It's Showtime ay may pagkakahawig sa isa sa mainstay ng longest-running gag show na Bubble Gang .
Napa-hirit ang Unkabogable star sa contestant na si Jace na 'tila look-alike raw ni Diego.
Sinabi ito ni Vice matapos sagutin ni Jace ang tanong na 'ano ang mabilis na umuubos sa kaniyang pasensya'. Paliwanag niya: “`Yung paulit-ulit na nagda-doubt or nagdududa kahit na-prove mo naman sa kaniya na mahal mo siya or wala ka naman ginagawang masama.”
Banat na joke ni Meme, “Ang guwapo pala ni Diego sa Bubble Gang pagka ganiyan 'yung buhok.”
Sumabat naman agad si Kim Chiu na, “Si Jace yan!”
“Si Diego sa Bubble Gang pagka naka-brushup ganiyan ['yung buhok]. Ang guwapo ni Diego.” hirit ulit ng Kapamilya comedienne.
Mapapansin ni Vice na tawang-tawa si Ogie Alcasid at agad itong nilapitan para tanungin kung ano ang nakakatawa.
Isa si Ogie sa pioneers ng multi-awarded Kapuso gag show kung saan nakasama niya ang ace comedian na si Michael V.
Napa-comment naman ang chinita princess na, “Na-miss kasi ni Sir Ogie mag-Bubble Gang.”
Natawa na lang si Ogie at sinabing, “Parang siya nga. Guwapo, guwapo!”
RELATED CONTENT: MEET THESE AMAZING COMEDIANS WHO ARE FORMER CAST MEMBERS OF BUBBLE GANG