GMA Logo Sang gre art card
PHOTO COURTESY: Encantadia Chronicles: Sang’gre (Facebook)
What's Hot

Isang makapangyarihang diwata sa 'Sang'gre,' ipakikilala na!

By Dianne Mariano
Published November 3, 2023 2:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

New economic zones to lure P3-B in investments — Recto
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Sang gre art card


Mga Kapuso, makikilala n'yo na ang isang makapangyarihang diwata na lulusob sa mundo ng Encantadia.

Ipakikilala na ang isang makapangyarihang diwata na mapapanood sa much-awaited series na Sang'gre.

Ngayong Biyernes (November 3), isang teaser image ang ibinahagi sa official Facebook page ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, kung saan inanunsyo na ang pagpapakilala para sa isang makapangyarihang diwatang lulusob sa mundo ng Encantadia.

Noong nakaraang linggo, ipinakilala ang mga bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian.

Related content: Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian, emosyonal sa pagsasama-sama bilang mga bagong Sang'gre

Pangangalagaan ni Bianca ang Brilyante ng Lupa habang si Faith naman ang magmamana ng Brilyante ng Apoy. Si Kelvin ang magiging tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig at si Angel naman sa Brilyante ng Hangin.

Abangan ang pagpapakilala sa isang makapangyarihang diwata mamayang gabi sa 24 Oras.

Ang Sang'gre ay continuation ng Encantadia chronicles. Noong 2016, pinagbidahan ito nina Kapuso stars Sanya Lopez, Glaiza De Castro, Kylie Padilla, at Gabbi Garcia.