What's Hot

Isang makapangyarihang pagbabagong-anyo sa 'Dragon Ball Z: Super Saiyan Son Goku'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE UPDATES: Alex Eala vs Elena Rybakina at the Italian Open Round of 32
Farm to Table: (May 10, 2026) LIVE
Troy Montero and Aubrey Miles finish first Hyrox together

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang Dragon Ball Fight! Presents Super Saiyan Son Goku! Panoorin ang Part 1 sa May 16 at Part 2 naman sa May 17 sa nag-iisang astig sa anime, GMA! 
By MARAH RUIZ

 
May isa na namang panganib ang haharapin ng mundo! May parating na asteroid at mukhang babangga ito sa Earth. Susubukan nina Goku at Krillin na pasabugin ito gamit ang kanilang mga Kamehameha Waves ngunit wala itong magiging epekto sa asteroid.
 
Suwerte naman at hindi ito tumama sa Earth! Ngunit sasabog at magkakapira-piraso ito na siya namang magiging dahilan para makapasok si Lord Slug at ang kanyang mga mandirigma sa planeta. Plano nilang balutin ng yelo ang buong mundo at gawin itong bago nilang tahanan. 
 
Lalabanan naman nina Gohan at Chi Chi ang mga ito. Sa init ng labanan, hindi mapapansin ni Gohan na nahulog na pala ang kanyang sumbrero. Mapupulot ito ni Lord Slug at mapapansin ang Dragon Ball na nakakabit dito. Malalaman niya kung ano ito nang basahin niya ang isipan ni Chi Chi.
 
Uutusan ni Lord Slug ang kanyang mga tauhan na hanapin ang iba pang mga Dragon Balls. Nang maipon nila ito, hihilingin niya ang habambuhay na pagkabata. 
 
Mapapasakamay ba ni Lord Slug ang mundo? Ano ang dapat gawin ni Goku para matalo ang nilalang na ito?

Abangan ang Dragon Ball Fight! Presents Super Saiyan Son Goku! Panoorin ang Part 1 sa May 16, pagkatapos ng Cross Fight B-Daman at Part 2 naman sa May 17, pagkatapos ng Pac-man and the Ghostly Adventures, sa nag-iisang astig sa anime, GMA!