
Halos isang linggo pa lamang nang umere ang kauna-unahang figure skating series ng GMA na Hearts On Ice pero kaagad na itong tumatatak sa isip ng mga manonood.
Sa katunayan, isang netizen, na nagngangalang Mildred Tuin, ang nagbahagi ng kanyang sweet bonding moment kasama ang kanyang dalawang anak na babae sa skating rink bilang regalo sa kanilang matataas na grado sa pag-aaral.
Tinawag pa ni Mildred ang kanyang mga anak na “mga Ponggay ng buhay ko” sa kanyang Facebook post. Si Ponggay ay ang karakter na ginagampanan ni Sparkle actress Ashley Ortega sa Hearts On Ice.
Patuloy ring sinusuportahan ng viewers ang bagong serye dahil nagsisilbi itong inspirasyon para sa lahat na mangarap.
Sulat ng Facebook user na si April Rose Martinez sa kanyang post, “Basta ui ganahan ko mutan-aw aning salidaa.. Basta jud stick ka sa imong goal matuman jud imo pangandoy bisan dghan kaau hindrance ayaw jd palupig sa mga challenges sa life…Kani nyu tan-awon kids aron ma-inspire mo mangarap #HeartsOnIce.”
(Basta, ginaganahan talaga akong manood ng palabas na ito. Basta pokus ka lang sa iyong goal ay matutupad ang iyong pangarap kahit maraming pagsubok. Huwag kang papatalo sa challenges sa buhay. Ito ang ipapanood niyo sa mga bata nang ma-inspire mangarap.)
Patuloy na subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad pagkatapos ng Mga Lihim Ni Urduja.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-lovestream din ito sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO.