Article Inside Page
Showbiz News
Binili ng isang pamilya ang lang toneladang gulay mula sa mga naluging magsasaka at ibinigay ito sa GMA Kapuso Foundation.
Sa Cordillera Administrative Region o CAR nanggagaling ang halos 85% supply ng mga highland vegetables sa Pilipinas.
Ilang tonelada rin ang mga gulay na nasasayang kada ani, at mas dumami pa ito nang nagkaroon ng COVID-19 pandemic.
Ito ang naghudyat kay Dixie Marinas at kanyang pamilya na magtulung-tulong para bumili ng 20 toneladang gulay para maipamahagi sa mga nangangailangan.
"The realization was quite bittersweet. It was bittersweet kasi we knew that we were helping farmers, sincerely helping them. Sa Manila, we were thinking ang dami-dami palang nangangailangan talaga," pahayag ni Dixie.
Humingi naman si Dixie ng tulong sa kanyang mga kaibigan kung saan pwedeng i-distribute ang mga gulay.
Isa naman sa kanyang mga kaibigan ang nagpadala ng mensahe sa GMA Kapuso Foundation.
Katuwang ang AFP Joint Task Force NCR at 2nd Infantry Division (92IB and 80IB) ng Philippine Army, ipinamahagi ng GMA Kapuso Foundation ang mga gulay sa mahigit 700 pamilya sa isang baranggay sa Caloocan at sa isang sitio sa Baras, Rizal.
Sa mga nais pang mag-abot ng tulong, bumisita lang sa official website ng
GMA Kapuso Foundation.