Palaisipan ngayon sa maraming netizens ang teaser poster na inilabas ng GMA Network sa social media tungkol sa isang showbiz icon na malapit nang magbalik-Kapuso.
Sa naturang poster ay mababasa ang nakasulat na, “Abangan. A showbiz icon's homecoming soon on GMA.”
"Handa na BA ang lahat para sa HOMECOMING ng isang SHOWBIZ Icon? Abangan ang kanyang pagbabalik sa GMA coming soon!" caption naman sa nasabing social media post.
Bagamat wala namang ibang detalye na ibinigay sa inilabas na teaser poster, kanya-kanyang hula na ang ilang online netizens kung sino ang tinutukoy na TV personality na magbabalik sa GMA Network.
Ayon sa isang netizen, “The Original Startalk Host is finally returned.”
Dagdag naman ng isa pang Kapuso online, “Tingin ko jan ..ISANG DAKILANG MARITES YAN!”
“Pink upuan baka babae?” usisa naman ng isang netizen.
Sa ngayon ay mayroon nang halos 3k likes, mahigit sa 600 comments, at 200 plus shares ang naturang teaser poster.
Sino kaya ang tinutukoy na showbiz icon na ito? Abangan!
Para sa iba pang showbiz updates and entertainment content, bisitahin ang GMANetwork.com.