What's Hot

Isang 'super nanay' sa Baras, Rizal, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation

By Marah Ruiz
Published July 30, 2020 2:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA reschedules postponed Heat-Bulls game to Jan. 29
Pagtulong ng GMAKF sa mga nilindol sa Caraga, nagpatuloy sa kabila ng panibagong pagyanig | 24 Oras
P22,000 cash, laptop lost to burglar in Iloilo City

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Kapuso Foundation


Kabilang ang 'super nanay' na si Mary Jane sa mahigit 2,400 residente sa Baras, Rizal na natulungan ng GMA Kapuso Foundation.

Taong 2010 nang mabiyuda si Mary Jane Casinao at simula noon, pinagsabay sabay niya ang iba't ibang trabaho para maitaguyod ang kanyang tatlong anak.

Nangangahoy, nag-uuling, nagpapastol ng baka, nagbebenta ng labong at nagtatrabaho pa siya bilang isang construction worker.

"Ang hirap ng buhay namin dito. Magmula nang mamatay ang asawa ko, naransan ko nang kayod-kalabaw. Banat ng trabaho," pahayag niya.

Dahil sa kanyang sipag, nakatapos ng senior high school ang dalawa niyang anak. Ito na ngayong ang mga katuwang niya sa pagtatrabaho.

Ang panganay niyang si Jerico ay pumasok din bilang construction worker, habang si Jenny Mae naman ay kahera sa isang botika.

Dahil medyo liblib ang kanilang lugar, bihirang makarating ang ayuda mula sa gobyerno ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Para matulungan ang si Mary Jane at kanyang pamilya, tumungo ang GMA Kapuso Foundation sa mga liblib na lugar sa Baras, Rizal.

Katuwang ang Delimondo, 2nd Infantry Division at 80th Infrantry Battalion ng Philippine Army, mahigit 2,400 residente ng Baras, Rizal ang nabigyan ng grocery packs.


Para sa mga nais pang maghatid ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.