Bukas na ang pinaka star-studded na event ng taon!
Bukas na ang pinaka star-studded na event ng taon!
Magtitipon-tipon ang mga news personalities, artista, at radio DJs sa GMA Fans Day 2015 para ipagdiwang ang 65 years ng GMA Network at pasalamatan ang mga Kapuso sa kanilang patuloy na tiwala, pagmamahal at suporta.
Magsaya sa iba’t ibang activity booths, maka-bonding ang inyong paboritong Kapuso stars at magkaroon ng pagkakataong manalo ng mga special prizes at giveaways. May premyo ring naghihintay sa mga mananalo sa Kapuso Look-alike Contest.
May libreng sakay mula sa GMA Network Center papunta sa Mall of Asia Arena mula 7:00 a.m. hanggang 2:00 p.m.
Ang GMA Fans Day 2015 ay magaganap sa tulong ng Breeze Liquid Detergent, Palmolive Naturals Shampoo and Conditioner, Nesfruta, at Safeguard. Huwag palampasin ang natatanging selebrasyon na ito, mga Kapuso!