GMA Logo Isay Alvarez
What's Hot

Isay Alvarez, hindi makadalaw sa puntod ng magulang dahil sa baha

By Marah Ruiz
Published October 30, 2025 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Sibol Women dethrone Indonesia to reach Mobile Legends finals
Tight security at ports, terminals in W. Visayas for the holidays
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Isay Alvarez


Binaha ang puntod ng magulang ni Isay Alvarez kaya dalawang taon na siyang hindi makadalaw.

Dalawang taon nang hindi nakakabisita ang aktres na si Isay Alvarez sa puntod ng kanyang mga magulang.

Ikinalulungkot niya na hindi siya makadalaw dahil sa baha na hindi pa rin humuhupa doon.

"Gusto ko sanang nabibisita 'yung mga magulang ko sa sementeryo kaso baha 'yung sementeryo eh. Dalawang taon na 'ko, actually, hindi nakakapunta kasi may malungkot na pangyayari doon sa Bulacan," pahayag niya.

Idinaraan na lang daw niya sa dasal at pagtitirik ng kandila ang pag-alala sa mga magulang niyang yumao.

Mukhang ganito na rin ang gagawin niya ngayong Undas dahil problema pa rin ang baha sa kanilang lugar.

"Lubog 'yung sementeryo. May swimming pool sila doon kaya pinagdarasal ko na lang sila at nag-iilaw na lang ako para sa kanila," aniya.

Minsan na ring ipinasilip ni Isay ang lagay ng mga puntod ng kanyang mga magulang sa kanyang Instagram account.

Makikita ditong pinasok ng tubig ang kanilang museleyo at umabot na hanggang sa lapida sa nitso ang tubig.

Ayon kay Isay, hindi rin nila mabuksan ang gate dahil sa taas ng tubig.

"I've not visited my parents here kasi baha...naiiyak ako sa inis kapag naiisip ko yung baha sa sementeryo. Di namin mabuksan ang pinto kasi mahigit sa 1 foot yung itinaas. Di man lang inabisuhan bago gawin ang kabobohan at kawalan ng galang sa mga patay. Ano ba talaga????" sulat niya sa caption ng kanyang post.

A post shared by Isay Alvarez Seña (@isayasena)

Ayon sa tala ng "Sumbong sa Pangulo" website, ang probinsiya ng Bulacan ang may pinakamaraming flood control projects mula 2022 hanggang 2025.

Ilan sa mga ito ay di umano, naging "ghost projects" na nagbigay daan sa katiwalian at korapsyon.

SILIPIN ANG IBA'T IBANG MGA OPINYON NG MGA CELEBRITIES TUNGKOL SA MAANUMALYANG FLOOD CONTROL PROJECTS DITO: