
Siguradong punong-puno ng saya ang Sunday night n'yo dahil mapapanood si Isko Moreno sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) sa darating na November 26.
Related content: Balik-Kapuso na si Isko Moreno, muling kilalanin!
Magiging newest co-host na ba ng comedy duo na sina Boobay at Tekla si Isko sa nasabing programa? Huwag palampasin ang official announcement ng Eat Bulaga host sa TBATS ngayong Linggo.
Si Yorme rin ang magiging celebrity accomplice ng hosts sa nagbabalik na isa sa mga all-time favorite segment sa TBATS na “Pranking In Tandem.”
Bukod dito, sasagutin ni Isko ang ilang kontrobersyal na mga tanong sa “Guilty or Not Guilty.”
Ilan sa mga co-star niya sa youth-oriented show na That's Entertainment ang nahulog sa kanya at kalaunan ay naging girlfriend niya? Isa lamang 'yan sa mga dapat n'yong abangan this Sunday.
Babasahin din nina Boobay at Tekla ang ilang messages mula sa cellphone ni Isko sa “Phone Raid.” Ano kaya ang kanilang malalaman?
Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:25 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.