GMA Logo isko moreno
What's on TV

Isko Moreno, may pa-birthday sa mga manonood ng 'Eat Bulaga'

By Jimboy Napoles
Published October 24, 2023 1:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

isko moreno


May birthday gift si Yorme para sa lahat ng manonood ng 'Eat Bulaga!'

Masayang nagdiwang ng kaniyang kaarawan si Isko Moreno, na kilala rin bilang si Yorme, ngayong Martes, October 24, sa Eat Bulaga.

Bilang regalo, naghandog ng song performance para kay Yorme ang kaniyang co-hosts sa programa na sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, at Alexa Miro.

Nakikanta rin ang iba pang hosts kasama sina Winwyn Marquez, Arra San Agustin, Dasuri Choi, Kokoy De Santos, Chariz Solomon, at Kimpoy Feliciano gamit ang kilalang kanta na laging isinasayaw ni Yorme noon na “Dying Inside To Hold You.”

RELATED GALLERY: Balik-Kapuso na si Isko Moreno, muling kilalanin!

Matapos niyang i-blow ang kaniyang mga birthday candle, hiningan ni Paolo si Yorme ng kaniyang birthday wish.

Ayon naman kay Yorme, kasabay ng kaniyang kaarawan ay ang pagkakatatag ng United Nations, kaya ang tanging hiling niya raw ay kapayapaan sa mundo.

Aniya, “I'm always grateful to Him and to the people who are with me on the way up. Kung nasaan man ako ngayon, ay marami akong bagay na ipinagpapasalamat sa Diyos. Kaya ang wish ko na lang para sa ating lahat, tutal United Nations Day [din ngayon] ito talaga personal wish ko, peace on Earth.”

Dagdag pa niya, “Sana magkaroon na ng kapanatagan ang buong mundo at maisantabi ang hindi pagkakaunawaan at katulad ng sinasabi namin sa Eat Bulaga, I love you.”

Isko Moreno, nagdiwang ng kaarawan sa 'Eat Bulaga.'

Nagpasalamat naman si Paolo kay Yorme sa pagiging mabuting kaibigan at halimbawa para sa kanilang mga co-host nito sa Eat Bulaga.

“Yorme, we love you. Thank you for being a great example sa aming lahat. Kung baga 'yang pagbibigay ng tulong at saya na-impart mo 'yan sa amin. Maraming maraming salamat,” ani Paolo.

Kasabay ng kaniyang kaarawan, may regalo rin si Yorme para sa mga Kapuso, ito ay ang “G 4 U,” kung saan may tiyansa na ang mga manonood na matupad ang kanilang mga simpleng hiling.

Ang gagawin lamang ay magtungo sa Facebook page ng TAPE Inc. at hanapin ang post na “G 4 U” at i-comment dito ang simple G o Gift na gusto mon matanggap.

Ang mapipiling Kapuso ay ia-anunsiyo sa Sabado, October 28, sa Eat Bulaga.

Bukod dito, may tiyansa ring manalo ng PhP5,000 ang mga Kapuso sa pamamagitan din ng panonood ng Eat Bulaga. Abangan lamang ang COTD o Color Of The Day na ipakikita ng hosts at mag-selfie suot ang damit na kagaya ng kulay na ipapakita.

Samantala, nagpasalamat din si Yorme sa lahat ng sumusuporta sa Eat Bulaga.

Happy birthday, Yorme!