
Nilinaw ni Isko Moreno sa Fast Talk with Boy Abunda ang desisyon ng kaniyang asawa na si Diana Lynn Ditan na huwag munang magpakasal ang anak nilang Joaquin Domagoso at ang partner nito na si Raffa Castro.
Matatandaan na sa naging guesting ni Joaquin sa nasabing programa, ibinahagi niya kay Boy Abunda na siya nga ay ganap nang ama, pero hiniling ng kaniyang ina na si Diana na ipagpaliban muna ang kasalan nila ng girlfriend na si Raffa.
Ayon kay Isko, blessing para sa kaniya ang pagdating ng apo sa anak niyang si Joaquin pero kaakibat nito ang responsibilidad niya bilang ama.
Aniya, “Life is life, every life is a blessing. Depende sa perspective mo, there are always two sides to a coin, well sa iba maaaring, 'Uy pangit 'yan,' sa akin blessing 'yan e, and you have to be responsible.”
Kasunod nito, binigyang linaw din ng Eat Bulaga host na si Isko kung bakit hindi muna nagpakasal ang kaniyang anak at soon-to-be manugang.
“Because they're too young,” ani Isko.
Dagdag pa niya, “It's not about the love or the relationship, you think it over, but in the meantime, you have to be responsible for another mouth.”
July 2022 nang kumpirmahin ng actor-politician na si Isko na isa na ngang ganap na ama si Joaquin.
Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG MGA LARAWAN NI JOAQUIN DOMAGOSO SA GALLERY NA ITO: