Ano kaya ang role ng veteran comedienne sa primetime remake ng 'Mari Mar?'
By AEDRIANNE ACAR
Hindi niyo lang mapapanood si Carmi Martin tuwing Linggo ng gabi mga Kapuso, dahil ang resident hot mama ng Ismol Family ay makikita niyo na rin gabi-gabi sa primetime.
Sa kanyang Instagram post kahapon (June 22), pormal na inanunsyo ng veteran comedienne na opisyal na siyang makakasama sa powerhouse cast ng pinakaaabangang teleserye sa Kapuso network, ang Marimar.
Sabi ni Carmi sa post niya, “Story conference for new soap MARIMAR. Malapit na!”