
Patuloy na nakakatanggap ng positive comments mula sa viewers ang action suspense drama na The Missing Husband.
Ayon sa Pinoy viewers, paganda nang paganda ang istorya ng naturang afternoon series.
Bukod sa kuwento nito, umaani rin ng papuri ang cast ng programa.
Sa previous episodes ay napanood kung paano nagsimula ang love story nina Anton at Millie, ang mga karakter nina Rocco Nacino at Yasmien Kurdi.
Kasunod nito, nasaksihan kung paano nahikayat sa isang investment scheme si Anton hanggang sa na-scam na siya ng kaibigan niyang si Brendan (Joross Gamboa).
Lumabas na rin si Jak Roberto sa serye bilang si Joed, ang pulis na may hawak sa imbestigasyon ng mga nangyari kay Millie.
Dahil sa nangyaring scam, labis na naapektuhan ang mga taong nahikayat din na mag-invest sa pekeng kumpanya ni Brendan.
Kabilang sa mga ito ang pamilya ni Anton na naging biktima rin ng scam bukod sa una.
Bukod sa pamumuhay nila, naapektuhan din nito ang relasyon ni Anton sa kanyang asawa na si Millie.
Sa susunod na episodes, mas magiging komplikado ang pamumuhay ni Millie dahil sa pagkawala ni Anton.
Mag-isang haharapin ni Millie ang kakaiba at misteryosong pagsubok na darating sa kanyang buhay.
Ano-ano kaya ang mangyayari habang wala si Anton?
Samantala, bukod kina Yasmien, Jak, Rocco, at Joross, napapanood din sa serye sina Sophie Albert, Shamaine Buencamino, Max Eigenmann, Cai Cortez, at marami pang iba.
Patuloy na tumutok sa The Missing Husband, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: