
Humingi ng tawad ang Italian restaurant na Bellini's sa Cubao, Quezon City matapos makatanggap ng pambabatikos mula sa netizens dahil sa kanilang insensitive Halloween decorations.
Pinuna kasi ng netizens ang display ng restaurant kung saan ginagaya nila umano ang isang bangkay na nababalot ng itim na plastic at may karatulang “'Wag tularan,” dahilan noon ng extra judicial killings sa bansa.
Isang netizen pa ang humiling sa nasabing restaurant na tanggalin na sana agad ang kanilang decorations dahil isa sa mga restaurant sa expo kung saan nandoon ang kainan ay pinapatakbo ng pamilya ng mga biktima rin ng EJKs.
Naglabas na ng pahayag ang Bellini's sa kanilang Instagram account kung saan humingi sila ng tawad sa nangyari at sinabing na hindi nila tiningnan muna ang decorations bago ilabas.
“We sincerely apologize for what happened and we deeply regret not checking up on the store decoration ourselves before it was displayed. Rest assured that we take this matter very seriously and we understand that this has caused distress,” sulat nila sa statement.
Pagpapatuloy nila, “We value your feedback and are committed to ensuring our designs reflect the respect and sensitivity our community deserves.”
Pinasalamatan rin nila ang netizen na pumuna ng kanilang dekorasyon at nangakong susuriin nila ang proseso ng pagpili upang maiwasan na itong mangyari uli.
Sa parehong statement, sinabi ng Bellini's na hindi alam ng management ng restaurant ang tungkol sa dekorasyon na ilalagay ng kanilang staff sa labas ng kanilang establisyemento. Aniya, madalas ay tipikal na dekorasyon lang, tulad ng mga cobwebs, paniki, gagamba, at banners lang ang nilalagay nila.
Paliwanag ng management ng restaurant, “But apparently our staff was excited about participating in the decorations because it had become a contest. We have investigated and some of our employees have admitted to the matter. And we will further look into this as soon as possible.”
Ilang netizens naman ang sumagot din sa pahayag na ito ng Bellini's at sinabing maging maingat at sensitibo na lang sa susunod at nagpayo na i-orient ng maayos ang kanilang staff upang maiwasan na mangyari pa ito ulit.
TINGNAN ANG ILANG HALLOWEEN COSTUME IDEAS MULA SA KAPUSO CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO: