What's on TV

Itanong kay Tata Lino

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 12, 2020 12:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada slows down as 4 Bicol areas under Signal No. 2
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



May mga problema ba kayo na kailangan ng kasagutan? O sadyang kailangan nyo lang ng kausap? Bakit hindi ninyo subukan ang resident guru ng Bubble Gang at ang nag-iisang Pambansang Ermitanyo ng Bayan, si Tata Lino? Basahin ang kanyang mga piling payo, baka ang isa dito ay swak sa 'yo!
May mga problema ba kayo na kailangan ng kasagutan? O sadyang kailangan nyo lang ng kausap? Bakit hindi ninyo subukan ang resident guru ng Bubble Gang at ang nag-iisang Pambansang Ermitanyo ng Bayan - si Tata Lino.  Basahin ang kanyang mga piling payo, baka ang isa dito ay swak sa 'yo!



AteMe_SpurNation: Tata Lino ano po ang gagawin ko kung may kumakalat pong chismis sa akin boyfriend?
Tata Lino: “Tama lang sa chismis hindi dapat naniniwala, pero tandaan mo, kapag may usok kawawa ang may hika”

DMike_0001: Malamig na ang relasyon naming mag-asawa Tata Lino, pero kanina tinext po ako na Misis na umuwi ng maaga. Tata Lino ano po ang dapat kong gawin?
Tata Lino: “Pag nang ganyan ang asawa, lahat dapat kalimutan, malamang si misis naghahanap ng kandungan”



Mrs.Santos_Khay: Hindi ko po kasundo 'yung mga katrabaho ko Tata Lino. Ano po kaya ang mainam kong gawin?
Tata Lino: “Pag marami kang nababanga sa pintong pinasukan, hanapin mo yung exit baka duon may daanan”

CoachKIEV: Tata Lino matagal ko ng gusto magkaroon ng long-time relationship. Guwapo naman po ako, matangkad at siyempre ubod ng yaman. Ano po kaya ang kulang?
Tata Lino: “Subukan mo lang maging humble nang mayroong matinong babae na sayo ay pumatol”



MateoDO: Matagal ko na po na niyaya yung ka-officemate ko po sa isang date. Kaso Tata Lino lagi naman niya akong tinatanggihan. Bakit po kayo ganun?
Tata Lino: “Pag-gusto may paraan, pag-ayaw maraming dahilan. Pagka naman 'yung gusto mong tao eh laging nagdadahilangapin mo na ang katotoohanan hindi ka mahal niya”

DiVAN_BOI: Tata Lino problemado po ako sa girlfriend ko. Lahat po ng babae mapa kaibigan o kakilala lang pinagseselosan niya. Ano po ba ang dapat kong gawin?
Tata Lino: “Ganyan talaga ang mga babae walang pinipiling hitsura lahat pinagseselosan kahit mukha nang basura”

PowerpuffBOY: Tata Lino, faney nyez si watashi. Betty go belmonte ni watashi na magpa-excavate ng fezlaloo, as in magic wand levels kasi super chaka akez. The problem ever is wititit shurity akez. anez po ba ang magigive-sung niyong fairy godmother advice ever?
(Translation: Tata Lino avid fan niyo po. Gusto ko po sanang magparetoke dahil ang panget ko. Ang problema po nagdadalawang isip na po ako, Ano po ang maipapayo niyo po sa akin?)

Tata Lino: “Tiisin ang hapdi, kung gusto mong lumandi!”


Para sa iba pang makatuturang advice from Tata Lino, watch Bubble Gang every Friday night and keep logging on to www.gmanetwork.com.

--Text by Aedrianne Acar , Translation credit to John Alliage, Photo from Bubble Gang episode