
Sa episode ng Inagaw Na Bituin noong Huwebes, February 28, kalilimutan na ni Lucy (Angelika dela Cruz) na may pamilya pa siya kina Belinda (Sunshine Dizon) at Nanay Regina (Jackie Lou Blanco).
Nagpatuloy ang away sa pagitan ng magkapatid dahil nilustay ni Lucy ang kayamanan ni Belinda.
Kahit halos wala nang natira sa kaniya, itutuloy pa rin ni Belinda ang paghahanap sa nawawala niyang anak na si Anna.
Babalik si Belinda sa Maynila at sasamahan siya ng kaniyang inang si Regina. Sa pag-alis daw ng dalawa sa pamamahay ni Lucy, wala na raw silang mababalikan pang kapatid at anak.
Panoorin:
Tutok lang sa Inagaw Na Bituin sa GMA Afternoon Prime.