Article Inside Page
Showbiz News
Mainit na tinanggap ang Metro Manila Film Festival entry na 'My Big Bossing' sa idinaos na grand premiere night ng pelikula kagabi, Dec. 22.
By CHERRY SUN
Mainit na tinanggap ang Metro Manila Film Festival entry na
My Big Bossing sa idinaos na grand premiere night ng pelikula kagabi, Dec. 22.
Pinangunahan ni Vic Sotto ang mga artistang dumalo. Naroon din ang kanyang leading lady sa
Taktak episode ng pelikula na si Marian Rivera at ang kanyang real-life leading lady na si Pauleen Luna. Nagpakitang-gilas din sa pamamagitan ng isang sayaw ang mga child wonders na sina Ryzza Mae Dizon at Alonzo Mulach.
“For the whole family. Hindi lang mga bata, pati ‘yung mga kasama ng bata siguradong mag-e-enjoy. Ito lang ‘yung pelikulang for general patronage,” saad ni Bossing.
Ibinalita rin niya na alas otso pa lang ng umaga ay magbubukas na ang mga sinehan sa Pasko, ang opening day ng mga pelikulang kalahok sa MMFF. Marami raw kasing nagpre-order na ng tickets para sa mga pelikula tulad ng
My Big Bossing.
“Karamihan kasi mga nag-pre-selling. Sold out right away, so nagdagdag kaagad sila ng mga screening hours, ‘yung mas maaga at ‘yung later pa,” pahayag ni Vic.
Nangako rin si Bossing at Pauleen na sa araw ng Pasko ay mag-iikot sila sa mga sinehan para personal na mabati ang mga manonood ng kanilang pelikula.