
Hindi n'yo na kailangan lumabas ng bahay ngayong Linggo, November 6 dahil hatid ng Kapuso network ang 'Sunday Grande' na hindi n'yo dapat palampasin.
Hindi n'yo na kailangan lumabas ng bahay ngayong Linggo, November 6 dahil hatid ng Kapuso network ang Sunday Grande na hindi n'yo dapat palampasin.
Simula 8:00 am, isang AHA-mazing facts and fun trivia Sunday ang inyong mapapanood kasama si Drew Arellano sa AHA! Pagdating ng 8:45 am, wildlife adventure naman ang ating masasaksihan sa Born to be Wild. Science naman ang ating tutuklasin pagpatak ng 9:20 am sa iBilib.
Kapana-panabik na laban mula sa Resurgence: Pacquiao vs. Vargas ang ating masasaksihan pagdating ng 10:00 am. Lalabanan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang 27-year-old American boxer na si Jessie Vargas para sa WBO World Welterweight title.
Isang masayang Linggo na naman ang handog ng inyong mga paboritong Kapuso stars ng Sunday PinaSaya pagdating ng 3:05 pm. Susundan pa ito ng nakakatawang kuwento na pag-uusapan sa Dear Uge pagdating ng 5:35 pm.
Alamin ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa sa 24 Oras Weekend, kasunod ang kuwelang season ender ng Ismol Family at 7:20 pm. Samantala, saksihan ang nakakatuwang kuwento sa loob ng Hay Bahay! pagpatak ng 8:10 pm.
Tuklasin ang mga bagong kuwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho at 8:55 pm at muling balikan ang naging laban ni Manny Pacquiao sa Resurgence: Pacquiao vs. Vargas at 11:00 pm.