What's Hot

"It's not really my goal" - Kris Bernal on being part of FHM's Top 10 Sexiest

By Michelle Caligan
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 13, 2017 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



"When I found out [about] the Top 10, parang it's okay. Suwerte kung nasali ka, kung hindi parang okay lang din." - Kris 

 

 

Kahit naging cover girl pa ng FHM Philippines para sa May issue nito, hindi raw inaasam ni Kris Bernal na pumasok sa Top 10 ng Sexiest Women list ng naturang men's magazine.

MUST-READ: Kris Bernal reveals why she finally posed on the cover of FHM Philippines

Naglabas ang FHM ng partial results sa kanilang Facebook page, at hindi kasali ang Impostora actress dito.

Ayon kay Kris, iba raw ang kanyang goal kaya pumayag siyang maging cover girl.

"May mga bashers at haters nga ako na nagsasabi na 'Nag-pose ka pa sa FHM, wala ka naman sa Top 10.' Parang ako, hindi naman 'yun ang point ko for posing for the magazine. Ang point ko naman is, gusto ko lang makita ng mga tao how far I can get, kung gaano na kalayo ang puwedeng gawin ni Kris. I didn't promote anything na to vote for me, wala akong ganun na ginawa. I didn't ask my fans to vote for me, kasi it's not really my goal," kuwento niya sa isang panayam during the press conference of Impostora.

Dagdag pa niya, "When I found out [about] the Top 10, parang it's okay. Suwerte kung nasali ka, kung hindi parang okay lang din. Sa totoo lang, feeling ko hindi ko rin kaya rumampa nang sexy."

Rarampa ba siya sa victory party kapag inimbitahan siya ng FHM?

"Puwede siguro pero hindi ko kaya 'yung naka two-piece na rarampa. Napakabait naman ng FHM sa amin nung ginawa ko 'yung shoot. Talagang kinonsider nila lahat ng pegs na puwede, na kaya ko," saad niya.