
Nagwagi ang Pinoy singer na si Sofronio Vasquez bilang grand champion ng reality singing competition na The Voice USA Season 26.
Ang New York-based Filipino ay ang kauna-unahang Pinoy at Asian na nanalo sa nasabing kompetisyon, kung saan ang kanyang coach ay ang singer na si Michael Buble.
RELATED CONTENT: Meet Sofronio Vasquez, 'The Voice' USA's grand champion
Sa episode ng It's Showtime nitong Miyerkules, may congratulatory message ang hosts para kay Sofronio, na dati nang sumabak sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng noontime show at umabot sa semifinals.
“I-congratulate natin ang Tawag ng Tanghalan alumnus na si Sofronio Vasquez! Alam n'yo kung bakit? Nanalo siya ng The Voice USA Season 26!” ani Ogie Alcasid.
Dagdag pa niya, “Your Showtime family is so proud of you. Tatak Showtime 'yan.”
Ayon pa kay host-singer Teddy Corpuz, isang magandang inspirasyon si Sofronio para sa mga “Tawag ng Tanghalan” contestant.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.