
Ipinakita ng It's Showtime hosts ang kanilang pakikiisa sa naganap na mga rally noong September 21 laban sa korapsyon.
Sa episode ng noontime variety show nitong Lunes, napanood ang hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Karylle, Ryan Bang, Ogie Alcasid, Ion Perez, Amy Perez, MC, Jackie Gonzaga, Darren Espanto, at Cianne Dominguez ay nakasuot ng puting outfits at mayroong white ribbon sa kani-kanilang kamay.
Nakasuot din ng white outfit at may white ribbon ang Sparkle star at dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee Etrata.
Present din ang ilang It's Showtime hosts sa naganap Trillion Peso March sa Edsa People Power Monument noong September 21. Iba't ibang celebrities din ang nagpakita ng kanilang suporta sa naganap na September 21 rallies via social media.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
ALAMIN KUNG SINO PA ANG MGA DUMALO SA SEPTEMBER 21 RALLIES SA GALLERY NA ITO.