GMA Logo kim ji soo
Photo by: @itsShowtimeNa X
What's on TV

'It's Showtime' hosts, kinumpara sina Kim Ji Soo at Ryan Bang

By Kristine Kang
Published September 19, 2024 5:18 PM PHT
Updated September 20, 2024 5:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flood control project restitution: Alcantara returns P71M to government
These hotel offerings are perfect for the holidays
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

kim ji soo


Vhong Navarro kay Ryan Bang at Kim Ji Soo: "Ryan, [mas] lamang ito."

"Ang guwapo!"

Ito ang paulit-ulit na puri ng mga host ng It's Showtime nang makita ng personal ang Korean Sparkle star na si Kim Ji Soo.

Noong Huwebes, September 19, bumisita sa noontime program ang cast ng upcoming film na Mujigae, na kinabibilangan nina Kim Ji Soo, Alexa Ilacad, at direktor nitong si Randolph Longjas.

Sa pagpasok ni Kim Ji Soo sa stage, maraming madlang Kapuso ang naguwapuhan sa kaniya, pati na rin ang mga host. Habang bumabati ang guests sa It's Showtime family, biglang lumapit si Ryan Bang at nakipag-shake hands kay Ji Soo.

Dahil sa sobrang excitement ni Ryan, biniro siya ni Vhong, "Grabe naman titig mo Ryan. Parang crush mo siya."

Natawa ang dalawang Korean stars at dinepensa ni Ryan, "Siyempre, ngayon ko lang siya na-meet sa personal."

Maliban sa kaniyang good looks, napahanga rin ni Ji Soo ang madlang Kapuso sa malinaw niyang pagsalita ng Tagalog.

"Malinaw mag-Tagalog sir," pinuri ni Jugs Jugueta.

"You speak very well," dagdag ni Karylle.

Patuloy na pinuri ng mga host ang charming visuals ng aktor, habang makikita sa mukha ni Ji Soo ang hiya niya sa mga magagandang komento na kanyang natanggap.

Biglang natawa ang audience nang kinompara ni Vhong sina Ji Soo at Ryan, "Ryan, [mas] lamang ito. Lamang talaga kasi actor siya sa Korea, e. Ako, komedyante sa Pilipinas, e," hirit ng Korean oppa.

Nahihiyang nagpasalamat si Ji Soo sa lahat at tinawag din si Vhong na guwapo nang sinabi ng host, "Sabihin mo [Ryan] naman, ibalik sa akin na guwapo din ako."

Ang pelikula nilang Mujigae ay tungkol sa isang bata na half Korean at Filipino na kailangang bumalik sa bansa upang tumira kasama ang kanyang masungit na tita, na ginampanan ni Alexa. Si Kim Ji Soo naman ang gumanap bilang tatay ni Mujigae.

Nang marinig ni Ryan ang kwento ng pelikula, nais daw niyang sumali sa cast ng susunod na sequel.

"Direk, ba't 'di mo ako inisip? Baka kailangan mo pa ng Korean. Mujigae part two, best friend ni Ji Soo," sabi ni Ryan.

"Ryan, magpagupit ka ng gupit niya (ni Ji Soo) para kapag nakatalikod, ikaw ang kukunan," banter ni Vhong.

Nakipagkulitan ang mga host at si Ji Soo nang tumalikod ang dalawang Korean stars upang tingnan kung magkahawig nga ba ang kanilang likod.

"Alam ni'yo isang pamilya tayo [pero] wala kayo magandang sinabi sa akin," sabi ni Ryan, na nagdulot ng tawanan mula sa ibang host.

Balikan ang nakakatawa at nakakatutuwang tagpo sa It's Showtime sa video sa ibaba:

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Kilalanin pa si Kim Ji Soo sa gallery na ito: