
Muling magbabalik ang It's Showtime hosts sa Family Feud para maki-celebrate ng “Four-ever ang Tawa, Four-ever ang Saya” 4th anniversary.
Ngayong March 16, magsasama-sama ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa Philippine entertainment sa isang episode na puno ng tawanan, kulitan, at matinding kompetisyon. Magsisimula rin sa Lunes ang game show sa mas pinaagang nitong oras.
Maglalaro sa Team James ang phenomenal Unkabogable Star na si Vice Ganda. Makakasama ni Vice sa Team James ang dancer-host na si Jackie Gonzaga, comedian na si Ryan Bang, at singer at host na si Darren Espanto.
Abangan din sa episode na ito kung bakit Team James ang kanilang ipinangalan sa kanilang grupo.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Samantala, abangan sa What's Up, Madlang Purple, ang energetic na si Vhong Navarro. Kasama niya sa Family Feud stage ang "Sample King" na si Jhong Hilario, OG host na si Amy Perez, at rising star na si Cianne Dominguez.
Tutukan ang exciting at puno ng kulitan showdown ng It's Showtime hosts sa Family Feud. Mapapanood ito sa March 16, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Hating Kapatid, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, Delightfully Deceitful, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.