
Napuno ng good vibes at kulitan ang episode ng It's Showtime nitong Miyerkules (May 29).
Sa “Showing Bulilit” segment ng noontime variety show, kailangang hulaan ng hosts ang tamang titulo ng mga local at international na pelikula, base sa reenactment ng Batang Cutepos.
Isa na rito ay ang eksena mula sa 2016 romantic drama film na pinagbidahan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo, na ni-reenact nina Jaze at Enicka.
Pinaulit ni Vice Ganda kay Amy Perez ang tanong at sinabi ng huli, “Sabi ko kanina, 2016 romantic drama film na nagtambal sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.”
Agad naman napansin ni Tyang Amy na lumalayo sina Vice Ganda, Darren Espanto, Vhong Navarro, Teddy Corpuz, pati sina “Sunburn” at “Mae-yor” kay Kim Chiu.
Ayon kay Vice Ganda, sila ay nag-give way para makasagot si Kim.
Matapos pindutin ng Chinita beauty ang buzzer, sagot nito, “Wala po akong maalala, Your Honor.” Natawa agad si Kim at ang kapwa hosts nito dahil sa sagot ng aktres.
Dagdag pa ni Kim habang natatawa, "Your Honor, nakalimutan ko."
Huwag palampasin ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SEXIEST LOOKS NI KIM CHIU SA GALLERY NA ITO.